Ginawang biro ni Vice Ganda ang television version ng "Mars Ravelo's Darna" ng ABS-CBN sa isa sa mga episode ng 'Reina ng Tahanan' segment ng It's Showtime, nitong Sabado, Hulyo 31, 2021.

Chinika kasi nila ng co-host na si Kim Chiu ang isa sa mga kalahok, na napag-alaman nilang malapit nang ikasal. Napag-usapan nila ang maaaring maging tema ng kasal.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Itong si Kim, agad na nag-suggest na baka puwedeng gawing Darna-themed ang kasalan, subalit sabi ni Vice, huwag daw, dahil bukod sa nakasuot lamang ng panty, "parang every year, papalitan ka tapos ang tagal matuloy!”

Matatandaan na simula nang i-anunsyo ng Kapamilya Network ang hinggil sa pagsasapelikula ng Darna noon pang 2013, lagi na itong nagkakaroon ng aberya at hindi matuloy-tuloy.

Nagkaroon ng injury sa likod si Angel Locsin, gayundin ang pumalit sa kaniya na si Liza Soberano.

Nang makahanap naman ng "bagong pagpapasahan ng bato" sa katauhan ni Jane De Leon, dumating ang pandemya ng COVID-19 at ang pagbasura sa franchise renewal ng Kapamilya Network.

Mula sa pelikula ay gagawin na umano itong television series.

Tanong ni Vice, anong meron sa Darna at hindi matuloy-tuloy ang paglipad nito?

Habang hinihintay ang kapalaran ni Darna, pumasok muna si Jane sa FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Jane de Leon recalls hardships in showbiz industry before bagging Darna  role | Manila Channel
Larawan mula sa Manila Bulletin

Bago matapos ang Hulyo, inanunsyo ng Kapamilya Network na tuloy na tuloy na ang taping ni Jane.