Napa-react sina Ogie Diaz at Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa iba’t ibang memes patungkol kay weightlifter Hidilyn Diaz, na tumapos sa 97 taong paghihintay ng Pilipinas sa Olympic gold medal.

Marami kasi ang pumuna sa kasaysayang ibinibigay ng epilyidong Diaz para sa Pilipinas.

Kung si Hidilyn kasi ang unang Pilipino na nakapag-uwi ng gintong medalya mula sa Olympics, si Gloria naman ang unang Pinay na nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe.

Pero para sa dating beauty queen-turned-actress: “I am the LANGAW na nakatungtong sa kalabaw! (smiling face with hearts emojis) congrats HIDILYN.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa YouTube, nagbiro naman si Ogie na siya ang “unang bakla sa showbiz na may dire-diretsyong limang anak na babae.”

Nagkomento rin siya sa isang meme kung saan edited ang kanyang mukha sa katawan ni Hidilyn.

“Hiyang-hiya na ako sa bunso kong kapatid na si Hidilyn. Imbes na siya yung naba-viral dahil sa karangalang ipinagkaloob niya sa Pinas, pati itong pic na ito ayaw pakabog. Viral din,” say ni Ogie sa Facebook.

“Salamat sa nag-edit nito. Di ko kinakaya ang husay ng mga Pilipino sa paggawa ng “kalokohan” makalimutan man lang pansumandali yung mga di magandang balita at nangyayari sa paligid. Ang importante, napasaya kayo ng larawang ito.”

Dagdag pa ng komedyante: “Inahit ko po yung buhok ko diyan sa kili-kili para makabuhat ako diyan nang bonggang-bongga. Baklang-bakla yung salitang “bonggang-bongga,” hahaha! Imadyinin ninyo kung ipinanganak na ako nung 1969 eh di back to back kami ng first Ms. Universe Gloria Diaz.”