TARLAC CITY - Isang 90-anyos na biyuda na pinaghihinalaang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang natagpuang patay sa kanyang bahay sa Barangay San Vicente, nitong Miyekules ng hapon.

Sa panayam kay Police Chief Master Sergeant Aldrin Dayag, may hawak ng kaso, hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng nasabing senior citizen upang maprotektahan ang pamilya nito.

Sa paunang ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay nang bumisita sa lugar ang kamag-anak na si Rolando Dimacali, 54, may-asawa, nitong Hulyo 21.

Sinasabing sinumpong ng matinding ubo ang biyuda, bukod pa sa lagnat at pagkahilo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naniniwala naman si Dra. Lhoi Tiglao Serrano, hepe ng Rural Health Unit sa nabanggit na lugar, namatay ito sa COVID-19 kaya kaagad na iniutos na i-cremate ang bangkay nito alinsunod na rin sa ipinaiiral na protocol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Leandro Alborote