SARIAYA, Quezon—Isang 31-anyos na lalaki at isang grade-12 na estudyante ang parehong namatay makaraang malunod habang naglalangoy sa isang beach sa Sitio Aplaya, Barangay Bignay 1, sa bayang ito nitong Lunes ng hapon.

Ang mga biktima na magkamag-anak ay sina Oscar Lumibao Jr., self-employed at John Adrian Pipia, 17, na kapwa naninirahan saBgy. Marinig, Cabuyao City, Laguna.

Dakong 3:30 ng hapon nang iulat sa Sariaya PNP ang pagkalunod ng mga biktima habang naglalangoy sa isang beach resort sa nasabing lugar.

Sa ulat, dumating umano ang mga biktima kasama ang kanilang mga kamag-anak dakong alas-9 ng umaga para sa kanilang swimming outing.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ilang oras ang lumipas ay nakita na lamang ang mga biktima na palutang-lutang may layong 200 metro mula sa pangpang na agad na sinaklolohan.

Naisugod pa ang mga biktima sa magkahiwalay na ospital ngunit kapwa idineklarang dead on arrival.