Muling nag-bonding ang pamilya ng aktres na si Julia Barretto kasama ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa Instagram, ibinahagi ni Julia ang ilang larawan mula sa kanilang trip sa Baguio kamakailan.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Caption ng aktres, “Memory box.”

Isa sa mga photo ang larawan nina Julia at Gerald na magkayakap.

May picture din si Gerald kasama ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich.

Kasama rin sa kanilang trip ang iba pang kapatid ni Julia na sina Claudia at Leon.

Bago ito, naka-bonding din ni Gerald ang pamilya ni Julia sa isang yacht adventure.