Sinamantala ng actress na si Yam Concepcion ang break sa taping ng kanyang seryeng “Init Sa Magdanag,” para bumiyahe sa New York at makasama ang kanyang fiancé na si Miguel Cuunjieng na anim na taon na rin niyang karelasyon.

Matatandaang taong 2018 pa na-engaged ang dalawa pero ngayong taon lamang ito ibinahagi ni Yam.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman hindi na kagulat-gulat ang anunsiyo ng Kapamilya actress na nakatakda na siyang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend sa Amerika bago matapos ang Hulyo, base sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Hulyo 16.

Sa ngayon, abala si Yam sa preparasyon sa nalalapit nilang kasal ni Miguelsa New York kung saan ito kasalukuyang naninirahan, ayon sa ulat ng TV Patrol news anchor na si MJ Felipe.

"Since nandito tayo sa US ikaw lahat magpa-plan nun. Wala akong tagatulong [in] planning all these things. Hindi naman siya grand celebration, we just want it very simple and very intimate. Ako lahat. Stressful pala siya talaga,” pagbabahagi ni Yam.

Simple at intimate wedding lamang daw ang magaganap na kasalan at ito'y dadaluhan ng kanilang family, US-based relatives at mga close friends sa New York.

Nakaya nina Yam at Miguel ang LDR (long distance relationship). Wala pang detalye kung solo lang si Yam pagbalik ng 'Pinas o sasama sa kanya si Miguel?

"I've been loving New York so far, two months na ako dito and what I celebrate the most is the time that I spend with Miguel. Kasi six years din kaming LDR, finally we get to enjoy time together, extended time together."

Ador V. Saluta