Opisyal nang Mrs. Villafuerte si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

Ibinahagi kamakailan ng dating beauty queen na kasal na sila ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa pamamagitan ng isang civil wedding.

Matatandaang ilang araw na ang nakakalipas, nang magbahagi si Rachel ng isang photo niya na nakasuot ng white dress at may hawak na white roses sa kanilang pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo bilang couple.

Sa naturang larawan, mapapansin na nakasuot ang dalawa ng wedding rings.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kalaunan, kinumpirma ni Rachel na nagpakasal na silang sa pamamagitan ng Instagram post.

“So last night Gideon (Hermosa; event stylist and florist) prepared incredible set up for us at Blackbird for our dinner following our civil wedding,” Rachel said. “I couldn’t stand the idea of going to waste, so I brought so much of it (flowers).”

Ilang buwan na ang nakararaan nang ianunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis ni Rachel.

Taong 2019 nang ma-engaged sina Rachel at Migz.