TACLOBAN CITY - Nagpositibo na rin si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Gomez nitong Sabado.

"I tested positive for COVID. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be okay. I will need a lot of rest and will have to be in isolation until I’m better.Symptoms are mild and manageable and I will go back to work as soon as doctors will give the clearance. I ask everyone to continue to be vigilant and safe," paglalahad ng alkalde.

Pang-siyam na si Gomez sa mga alkalde sa Eastern Visayas na nahawaan ng virus.

Relasyon at Hiwalayan

Nadia, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila

Inihayag naman ng isa sa malapit kay Gomez na isa rin sa empleyado ng city hall ang nagpositibo rin sa sakit.

Nitong nakaraang Biyernes, ipinasya ng pamahalaang lungsod na i-lockdown na muna ang tanggapan ng alkalde upang maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19.

Sa datos ng pamahalaang lungsod, aabot na sa 2,028 ang kabuuang nahawaan ng sakit sa lugar.

Marie Tonette Martici