July 18, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

South Korean power couple IU, Lee Jong Suk, hiwalay na!

South Korean power couple IU, Lee Jong Suk, hiwalay na!
Photo courtesy: IU (IG), Lee Jong Suk (IG)

Kumpirmado na ang breakup nina South Korean singer-songwriter at actress IU at actor-model Lee Jong-suk, ngayong Biyernes, Hulyo 10. 

Batay sa mga ulat ng international media, ang nakabibiglang balita ay kinumpirma na ng entertainment agency ni IU na “EDAM Entertainment” at ni Jong-suk na “ACE FACTORY.” 

“It is true that they broke up,” saad ng dalawang agencies. 

Anila pa, napagpasyahan nina IU at Jong-suk na mananatili na lamang silang mabuting magkatrabaho. 

Sa kaugnay na ulat, unang nakumpirma ang relasyon nina IU at Jong-suk noong 2022, at nagtagal sila ng apat na taon. 

Relasyon at Hiwalayan

Dustin Yu, naghihintay na lang sagutin ni Bianca de Vera

Bago lumalim ang kanilang naging relasyon, ang dalawa ay naging magkaibigan simula pa noong 2012, kung saan, una silang nagkakilala bilang hosts ng music show na “Inkigayo.” 

Bilang singer-songwriter, ilan sa mga kilalang kanta ni IU ay ang “Through the Night,” “Good Day,” “You and I,” at “BBIBBI.” 

Bilang aktres naman, ilan sa mga kinabilangan niyang proyekto ay ang “When Life Gives You Tangerines,” “Hotel del Luna,” “My Mister,” “Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo,” at ang kamakailan lamang inilabas na “Perfect Crown.” 

Si Jong-suk naman ay nakasama sa ilang malalaking proyekto tulad ng “W: Two Worlds,” “Big Mouth,” “I Can Hear Your Voice,” at “While You Were Sleeping.”