July 23, 2026

Home BALITA National

CIDG, umaprub sa pagbisita nina VP Sara, Sen. Padilla dahil sa hiling ni Sen. Marcoleta!

CIDG, umaprub sa pagbisita nina VP Sara, Sen. Padilla dahil sa hiling ni Sen. Marcoleta!
Photo courtesy: MB, FILE PHOTO

Nilinaw sa publiko ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na kahilingan din daw ni Sen. Rodante Marcoleta ang naging personal na pagbisita sa kaniya nina Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla. 

Matatandaang hindi pa nakakaalis ng PNP General Hospital si Marcoleta matapos siyang ma-diagnosed sa mild pneumonia at madeklarang hindi pa “fit to travel” upang maiharap sa Korte kaugnay umano’y pagtanggap niya ng ₱75-million campaign donation bago pa man magsimula ang midterm election noong 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, tinamaan ng mild pneumonia!

Matapos nito, personal na bumisita si VP Sara kay Marcoleta umaga noong Martes, Hulyo 7, 2026, bago siya tumungo sa Senado at harapin ang kaniyang defense team habang hindi pa nagsisimula ang Senate impeachment trial noon. 

Habang namataan naman ng publiko ang pagbisita ni Padilla si Marcoleta hapon noong Huwebes, Hulyo 9. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Dahil dito, kinuwestiyon ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno nitong Biyernes, Hulyo 10, ang PNP General Hospital ang naging pagbisita ng dalawa kay Marcoleta kung ang naiulat na kailangang mapag-isa ng huli dahil sa kaniyang sakit. 

“Why are you allowing him to be visited? Who allowed him to be visited when according to your recommendation he should be in isolation,” urirat ni Moreno. 

Sa naging pahayag naman ng hepe ng PNP CIDG RFU–NCR na si PCol. John Guiagui sa panayam sa kaniya ng media nito ring Miyerkules, nilinaw niyang mismong hiling daw ni Marcoleta at ng pamilya nito na mabisita siya nina VP Sara at Padilla, bukod pa sa kaniyang legal team. 

Ani Guiagui, hindi naman daw nila alam ang pinag-usapan nina VP Sara, Padilla, at Marcoleta dahil nasa labas lang naman daw sila ng kuwarto kung saan nananatili ang naturang senador. 

“We don’t know. Sa labas lang din naman kami. Limited lang ‘yon. Siya [VP Sara] lang naman at saka si Sen. Robin Padilla. Magkasunod,” aniya. 

Paliwanag ni Guiagui, requesting party at mga personal na hiniling na tao lang daw ni Marcoleta ang pinayagan nilang makabisita sa naturang senador. 

Pagpapatuloy niya, pinagbabawalan naman daw nila ‘yong ibang mga kaibigan, kapamilya, at tagasuporta ni Marcoleta na nagnanais din na mabisita ang senador dahil limitado lang daw talaga mga tao at panahon na puwedeng bumisita sa senador. 

“Kaya nga nire-restrict natin. Ang daming gustong pumasok but dalawa lang ‘yong napayagan. Ang daming gustong pumunta, friends with other relatives, ‘yong mga supporters niya. But again, on the part of CIDG, we cease to it that may restriction doon sa visitation niya at limited time lang,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, bukod kay Marcoleta, dawit din sa naturang kaso sina dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, at dalawang negosyante na sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang plunder at bakit nagitgit si Sen. Marcoleta sa kasong ito?