“Love, please, stop it!!!!!”

Ito ang maririnig na pakiusap ng hunk actor na si Derek Ramsay nang i-prank siya ng kanyang fiancee na si Ellen Adarna ng isang ipis.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Mukhang takot ang aktor dito.

Sa katunayan, tila natakot talaga ang aktor base sa kanyang recent Instagram story.

Dito, maririnig ang malakas ni sigaw ni Derek, habang nakikiusap kay Ellen na ilayo na sa kanya ang ipis.

Matapos ang harutan ng ipis, nangako naman si Derek na gaganti.

Sa Instagram, ini-repost ng aktor ang video at sinabing “Game on!”

Nagbahagi rin si Derek ng nakakatawang quote: “Ang tunay na may ‘tibay ng loob’ tumatakbo pa rin pag may ‘flying ipis…'”