Dinampot ng mga pulis ang 12 Chinese na isinasangkot umano sa credit card fraud sa isang pagsalakay sa Parañaque City, nitong Sabado ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) ang mga suspek na sina Ma Juan, 24; Chen Bung Hui, 34; Zheng Shi Feng, 27; Li Zhu Xing, 26; Wa Zhen, 30; Tong Chao Yun, 29; Ji Qing Laz, 22; Li Ling Yu Qi, 32; Yang Shu Qi, 24; Yu Zin, 32; Wang Shen, 20; at Li Wei, 22.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. General Jimili Macaraeg, ang mga ito ay dinakip ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU), at District Intelligence Unit (DID) sa No. 50 Matthews St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Parañaque City Regional Trial Court Branch 258 Judge Noemi Balitaan.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng intel reports ang pulisya kaugnay ng pagkakasangkot ng mga dayuhan sa umano'y credit card fraud.  

Eleksyon

'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'

Nakumpiska sa mga ito ang mga laptop, cellular phones, dongles, Point of Sale (POS) machine, at blank cards.

Bella Gamotea