KALINGA – Tatlong sako ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱7.8 milyon ang iniwan sa kalsada ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Rizal ng nasabing lalawigan, nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni Kalinga Police Provincial Director Davy Limmong, naging alisto ang mga tauhan ng Rizal Municipal Police sa sumbong concerned citizen na may isang hindi nakikilalang lalaki na nagtatangkangmang-iwan ng sako ng mga marijuana sa national road sa Sitio Anonang, Liwan West sa naturang bayan.

Ayon kay Limmong, nakatanggap sila ng impormasyon na may ibinibiyaheng marijuana bricks mula sa Barangay Hilltop, Barangay Agbannawag,Tabuk City patungong Tuguegarao City sa Cagayan, dakong 12:03 ng hapon.

Agad na nagsagawa ng checkpoint ang Rizal Police sa pangunguna ni Capt. George Acob, sa posibleng dadaanan ng mga suspek.Gayunman, makalipas ang ilang oras ay wala silang naharang.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dahil dito, minabuti nilang magpatrulya hanggang namataan nila ang tatlong sako sa gilid ng kalsada.

Nang buksan ang tatlong sako, natuklasan ang laman ng mga ito na 65.3 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng₱7,836,000.

Zaldy Comanda