Excited na ang fans nina Angel Locsin at Marian Rivera sa kung anumang collaboration ang kanilang pinaplano. Nabasa kasi ng fans ang convo ng dalawa na nagsimula nang mag-post si Marian ng three flowers emojis sa post ni Angel sa Instagram.

Sumagot si Angel ng “@marianrivera tara na gawin na natin ang plano” sa emojis post ni Marian at muling sumagot si Marian ng “@therealangellocsin gameeee!”

Iyon lang ang nabasa ng fansat tuwang-tuwa na sila at ang request nila ay ituloy ng dalawa anuman ang plano nilang project at kanilang susuportahan. May umaasang pelikula ang gagawin ng dalawa dahil malabo namang TV project ang kanilang pagsamahan.

May nag-isip namang baka business ang pinag-uusapang collab nina Angel at Marian. Anuman ang kanilang pinaplano, makakaasa sila sa suporta ng kani-kanyang fans. Ang payo nga ng fans, simulan na at gawin na nila ang collab project para sumaya ang kanilang supporters.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nitz Miralles