Sa last Friday (Hulyo 9) episode ng “It’s Showtime,” in-announce ni Vhong Navarro na si John Prats ang director nila ng noontime show that day.

Narinig kay Vhong ang “Dapat i-enjoy natin ngayon dahil ang director natin ngayon ay si John Prats,” sa segment ng “Tawag ng Tanghalan.”

Sinundan ito ni Kim Chiu ng “Direk John Prats in the house.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

John

Sa kanyang Instagram, pinost ni John ang photo niya sa director’s booth ng “It’s Showtime” at ang caption, kinowt niya si Adrienne Posey na ang sabi ay “A great director gives life to a work of art- gives it a heartbeat... a pulse... opens its eyes to the world.”

At ang pa-P.S. ni John na “thank you direk @arnelnatividad for everything.”

Kabilang sa mga nag-congratulate kay John sina Kim, Joross Gamboa, Sancho Vito at mga followers ni John.

Hindi sa “It’s Showtime”  ang first time na nagdirek si John ng show ng ABS-CBN dahil siya rin ang director ng Christmas Special ng network noong 2020. Nagdidirek na rin ng concert si John at successful ang concerts na dinedirehe nito.

Nitz Miralles