Muling nabahala ang pamahalaang lungsod ng Navotas dahil sa muling paglobo ng COVID-19 cases sa siyudad nitong mga nakalipas na araw.
Sa ulat na nakarating kay Mayor Toby Tiangco, mula sa low-risk ay muling bumalik sa moderate-risk classification ang Navotas matapos magtala ng 26.14% increase transmission batay sa pinakahuling report ng City Health Office nitong Biyernes.
Lumalabas na ito ang pang-apat ng pinakamataas na kaso ngayon sa buong National Capital Region (NCR).
Dahil dito, muling nagpaalala ang alkalde sa mga residente na proteksiyunan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinatutupad na health protocol.Sa pinakahuling tala ng Navotas, nasa 117 ang bilang ng active cases ng COVID-19, habang 372 ang namatay at 10,626 naman ang gumaling.
Orly Barcala