Mabilis na nilinaw ni dating beauty queen Cindy Miranda ang mga naglalabasang akusasyon na siya umano ang dahilan ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Kasalukuyan kasing magkatrabaho sina Cindy at Aljur para sa pelikulang “Nerisa.”

IG Photo

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Inilarawan bilang sexy-thriller, inaasahan ang steamy scenes sa pagitan ng dalawang artista.

Kaya naman may ilang fans na nagsabing baka na-carried away ang dalawa.

Isang online user ang may malakas na loob na nagkomento sa post ni Cindy sa social media ng: “Sana pure work lang kayo. ‘Wag ka sanang manira ng pamilya…”

Mahinahon at cool naman ang naging sagot dito ni Cindy.

“Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks,” tugon ng aktres.

So, sino kaya itong sinasabing “third party” ng dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur?