Pabor si Senate Blue Ribbon Committee chairman Senator Richard Gordon na imbestigahan ng Senado ang ipinupukol ni Senator Manny Pacquiao na alegasyon ng korapsyon sa ilang kagawaran ng pamahalaan.

Gayunman, kailangan muna aniyang magsumite ng ebidensya si Pacquiao upang maumpisahan na ang imbestigasyon sa usapin.

"Investigation of corruption cases must proceed but my committee cannot investigate based merely on newspaper accounts. I have neither received any request, nor has any Resolution been filed regarding Senator Manny Pacquiao’s allegations. Moreover, no documents have been shared with us. Nevertheless, I will not shirk from my duty and responsibilities as Blue Ribbon Committee Chairman," ani Gordon

Aniya, dapat na panindigan ng Pacquiao ang mga alegasyon, gayunman, kailangang malaman ng komitekung ano, sino, paano at kailan ang sinasabi niyang korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga

Leonel Abasola