Dinagsa ng mga comments bilang suporta ng family, friends, relatives and followers sa Facebook ng Kapuso comedian na si Boobay nang magpost ito ng “After 9 years...?” (may heart broken emoji). Ika nila, “Isang mahigpit na yakap.”

Isang malaking BAKIT malamang ang katanungan ng karamihan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa post ni Boobay, tila tinutukoy niya ang kinauwiang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Juan Resquir na isang physiotherapist sa Australia. Sa kabila ng matagumpay na showbiz career ng komedyante at ng kanyang bf sa ibang bansa mga puso naman nila ang pawang naging sawi.

Infairness sa kanilang Instagram, intact pa rin ang mga sweet memories photos nilang dalawa. Karaniwan kasing kapag nagkakalabuan ang magkarelasyon kapwa na nila inaalis ang mga pictures at nag-a-unfollow sila sa kani kanilang social media accounts. Iba rin naman kasi ang pinagsamahan nila Boobay at Kent. Baka naman may pag-asa pang magkabalikan di ba?

Sa Instagram naman ng dyowa ni Boobay nag-iwan ito ng pasasalamat sa komedyante at nagpost ito ng kanyang larawan na may caption na, “Thank you. I wish you happiness and good luck to your beautiful show business career. I am STILL here for you anyway. You always take care @boobay7?#NOWSingle.”

Mahirap din ang situwasyon nila Boobay at Kent dahil nga long distance relationship mayroon sila. Kahit ganoon pa man nalagpasan nila ito sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng komunikasyon. Kaya nga tumagal din sila ng maraming taon. Pero hindi rin natin maisasantabi na marami rin ang naggi-give up sa ganitong klase o takbo ng relasyon. Kung ano’t ano pa man tanging sila lang dalawa ang makakapagsabi kung ano nga ba ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Yun na!