May iniwan nga bang serye sa ABS-CBN si Bea Alonzo kasunod ng kanyang paglipat sa GMA?

Ito ang tanong ng fans, matapos kumalat ang ilang pahayag sa social media na inaakusahan ang aktres ng pagiging “unprofessional.”

Gayunman sa isang press conference kamakailan, nilinaw mismo ni Bea na ang seryeng ito, kung saan makakasama sana niya sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Christian Bables, at Jameson Blake, ay “discontinued.”

At ito, aniya ay “mutual” decision, na kapwa sinang-ayunan ng kanyang kampo at ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pagbabahagi ni Bea, “I was doing a soap for them but then nagkaroon ng pandemic. And alam naman natin na marami-raming pagbabago. So nagkaroon din ng pagbabago… magbabago din yung istorya. And we came to a decision na hindi na lang matutuloy yung soap…of course, nirespeto natin yung mutual decision na yun… and if I’m not mistaken, parang one year na akong walang soap na ginagawa and walang contract…”

Dagdag pa ni Bea, ilang buwan din siyang nag-isip bago nagdesisyong maging Kapuso.

Matatandaang sa latest vlog ni Bea, nagpahayag ito ng pasasalamat sa ABS-CBN.