BAGUIO CITY – Nilinaw ng Police Regional Office-Cordillera na hindi miyembro ng PNP ang dalawa sa limang hijackers na napatay sa engkwentro noong Hunyo 30 sa Tuba, Benguet.

Nakasuot ng PNP Athletic T-shirt, camouflage green pants and black leather shoes, ang isa sa mga suspek na kinilala ng kanyang ina, si David Dassala Rapal,Jr., 40, ngSan Fernando, Pampanga.

Ayon sa ina, kasama ng kanyang anak ang kaibigan nitong si Ryan Pangilinan sa kanilang bahay noong Hunyo 28 at mula pagkatapos nun ay hindi na bumalik.

Ang isang suspek na nakasuot ngpink t-shirt at light blue maong pants, na kinilala ng kanyang kapatid, si Ryan Amurao Pangilinan, 41, ng Mexico, Pampanga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

At ang isa pang suspek na naka-suot ng orange t-shirt at maong pants, ay kinilala ng kanyang kapatid, si Relly Amurao Castillo 43, ng Arayat, Pampanga.

Ang mga labi ng suspek na nakilala na ay inuwi na ng kani-kanilang pamilya.

Ayon kay PROCOR Spokesperson Capt. Marnie Abellanida, sa kanilang isinagawang beripikasyon sa PNP National Headquarters napag-alaman na ang identification (ID) card na narekober sa isang suspek na may pangalang Police Chief Master Sgt. Marvin A. Aquino na namatay noong pang 1996.

Ang isa pang suspek na may PNP ID na pangalang Cesar A. Blomes ay wala sa roster ng police organization, samantalang ang isa pang suspek na nakuhanan ng NBI ID ay masusi pang iniimbestigahan.

“Sa totoong pulis, may sinusunod kaming ‘Oplan Bantay Bihis’ at dalawang suspek na naka-suot ng damit ng pulis ay pawang may mga tattoos, eh bawal po sa pulis yan. Kaya malaki ang paniniwala naming na gumamit ng damit ng pulis para madali nilang isagawa ang pag-hijack,” pahayag ni Abellanida.

Sa naunang ulat na tinanggap ni PROCOR Director Ronald Oliver Lee, noong Hunyo 30, dakong alas 3:00 ng madaling araw ay nag-alarma ang La Trinidad MPS kaugnay sa naganap na hijacking incidents dakong alas 3:00 ng umaga sa nasabing bayan.

Napag-alaman na sapilitang tinangay ng mga suspek ang isang truck sa La Trinidad at pagdaan sa mga Longlong Road ay ibinababa ang drayber at saka ito nagsumbong sa pulisya.

Agad nagsagawa ng hot pursuit ang mga tauhan ng Regional Highway Patrol Group (RHPG-COR) at Tuba MPS sa kahabaan ng Marcos Highway at natunton ang mga suspek sa may Taloy Sur Proper,Tuba, Benguet.

Nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at mga pulis hanggang sa mapatay ang mga ito. Tatlo ang lulan ng Isuzu Aluminum Wing Van truck na may plakang ADH 3116, samantalang dalawa ang nakasakay sa kulay gray na SUV Chevrolet na walang plaka.

Nagbigay babala din si Lee sa publiko laban sa nagpapakilalang sila ay pulis at hinikayat nito na beripikahin mabuti kung talagang ito ay totoong pulis, lalong-lalo na sa paggawa ng krimen.

"They can ask the person his name, his place of assignment. Iyan po ay ine-encourage natin sa mga sibilyan na magtanong para hindi nabibiktima at ang paggamit ng uniform o insigning PNP at AFP ay mahigpit na ipinagbabawal at may kaakibat na kaukulang kaso.” pahayag pa ni Lee.

Zaldy Comanda