July 23, 2026

Home BALITA

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!
Photo courtesy: via AFP

Inanunsyo ng Malacañang na pagkakalooban ng tig-₱100,000 na tulong pinansyal ang dalawang miyembro ng Philippine Navy na nasugatan sa naganap na insidente sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Palasyo, ang ayuda ay bilang pagkilala sa sakripisyo at serbisyo ng dalawang Navy personnel na nasaktan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Hindi pa naglabas ng karagdagang detalye ang Malacañang hinggil sa pagkakakilanlan ng dalawang sundalo at sa lawak ng kanilang tinamong pinsala. 

Gayunman, tiniyak ng pamahalaan na patuloy silang bibigyan ng kinakailangang suporta habang nagpapagaling.

Ang insidente sa Ayungin Shoal ay isa na namang pangyayari sa serye ng tensyon sa West Philippine Sea, kung saan patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang pagprotekta sa soberanya at karapatan nito sa loob ng exclusive economic zone (EEZ).

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Patuloy namang mino-monitor ng mga kinauukulang ahensya ang sitwasyon sa lugar habang nagpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na naka-deploy sa West Philippine Sea.