July 26, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang unang pagtapak ng tao sa buwan, ‘One giant leap for mankind’

#BALITAnaw: Ang unang pagtapak ng tao sa buwan, ‘One giant leap for mankind’
Photo courtesy: NASA


Saktong 57 taon na ang nakalipas, gumawa ng “out of this world history” ang Apollo 11 noong Hulyo 20, 1969, matapos matagumpay na makatapak sa surface ng buwan ang lulan nitong astronaut na si Neil Armstrong.

Siya ang kauna-unahang tao sa kasaysayan na nakatapak sa moon’s surface.

Naganap ito apat na araw matapos ang launch ng Apollo 11 na ikinasa noong Hulyo 16, 1969, dakong 9:32 ng umaga.

Si Neil Armstrong ang nagsilbing commander ng Apollo 11, kasama ang kapwa nito astronauts na sina Command Module Pilot Michael Collins at Lunar Module Pilot Edwin “Buzz” Aldrin.

Nang siya ay nakatapak sa moon’s surface, tinuran niya ang iconic statement na hanggang sa kasalukuyan ay paalala ng nasabing kasaysayan: "That's one small step for a man, one giant leap for mankind.”

Batay sa tala ng National Aeronautics and Space Agency (NASA), 650 milyong tao sa mundo ang nanood sa televised image ni Armstrong habang sinasambit niya ang iconic statement niya.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Bakit kontrobersyal ang terminong 'Romanov?'

Anang ahensya, umabot sa 118.65 milya ang altitude ng pag-orbit ng Apollo 11; 32.521 degress ang inclination; at 30 naman ang revolutions.

Nagawa rin nitong mag-travel sa distansyang aabot sa 953,054 milya o 1,533,791 kilometro.

Tumagal din ang eksplorasyon nito sa loob ng walong araw, tatlong oras, 18 minuto, at 35 segundo.

Nagtapos ang misyon ng Apollo 11 noong Hulyo 24, 1969—kung saan ito ay nag-splash down sa Karagatang Pasipiko dakong 12:50 ng tanghali.