Tiniyak ni US President Donald Trump kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ipapaalam niya ang "concerns" ng Pilipinas sa kaniyang susunod na pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping, ayon sa Malacañang.
Sa isang pahayag nitong gabi ng Huwebes, Hulyo 23, sinabi ng Malacañang na nagkausap sa telepono sina Marcos at Trump kung saan tinalakay nila ang kasalukuyang pandaigdigang sitwasyon sa ekonomiya at seguridad, kabilang ang mga pinakahuling kaganapan sa West Philippine Sea.
"The phone conversation was an offshoot of the meeting between President Marcos and US State Secretary Marco Rubio in Malacañang on Wednesday. The President updated Sec. Rubio on the recent incidents in the South China Sea," saad ng Palasyo.
"President Trump assured President Marcos that he will take up the concerns of the Philippines in his next meeting with the Chinese President Xi Jinping," dagdag nito.
Matatandaang napaulat noong Hulyo 20 ang pag-atakeng ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipino sa Ayungin Shoal.
Bunsod ng naturang aksyon, nasaktan ang isang Pinoy—na kalauna’y napag-alamang isang personnel ng Philippine Navy (PN).
Maki-Balita: Mga bansang kumondena sa CCG attacking incident sa Ayungin Shoal
Kaugnay nito, sinita ng Estados Unidos ang anila’y mapanganib na aksyon at pag-atakeng ginawa ng CCG.
Maki-Balita: US, kinondena ‘dangerous,’ ‘escalatory actions’ ng China sa Ayungin Shoal