In the news si Katrina Halili ngayon dahil nali-link kay John Lloyd Cruz dahil na rin sa nakikita silang magkasama. Hindi lang basta magkasama dahil sa El Nido, Palawan hanggang sa beach house ng aktor sa Batangas noong birthday ng aktor, present si Katrina.

Pero, lumalabas na friends lang talaga sina John Lloyd at Katrina dahil ang tsika, ang totoong boyfriend ni Katrina ay isang close friend ni John Lloyd. Sa tamang panahon, malalaman din kung sino ang non-showbiz boyfriend ni Katrina, kaya pala malakas ang loob nitong sabihing hindi sila talo ni John Lloyd.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa paglabas ng balitang ito na may boyfriend naman pala si Katrina, siguro naman, titigilan na siya nang pang-ookray fans ni John Lloyd at shippers nina John Lloyd at Bea Alonzo. Kesyo hindi bagay si Katrina kay John Lloyd, hindi sila magka-level at kung anu-ano pang negative comments na dine-dedma na lang ng aktres.

Nakita rin si Katrina sa The Blackbird at the Nielson Tower sa Makati City na kasama sa larawan si Borgy Manotoc. Siguro, kilala rin ng boyfriend ni Katrina si Borgy at ipinakilala niya rito si Katrina.

Nitz Miralles