April 30, 2026

Home SHOWBIZ

Wilyonaryo, matatapos na; Wowowin, magbabalik!

Wilyonaryo, matatapos na; Wowowin, magbabalik!
Photo Courtesy: Screenshots from Wilyonaryo (YT)

Usap-usapan ang muling pag-ere sa telebisyon ng programang “Wowowin” ng TV host na si Willie Revillame.

Sa isang episode kasi ng “Wilyonaryo” noong Lunes, Abril 27, inanunsiyo ni Willie na magpapaalam na raw ang naturang online game show.

Pero paglilinaw niya, “Ikaklaro ko lang…hindi po tinanggal ang ‘Wilyonaryo.’ Tatlong buwan lang po talaga ang kontrata niyan. Talaga pong babalik na ang ‘Wowowin.’”

“After po ng May 15, abangan n’yo ang announcement namin. Siyempre, para malaman n’yo po, ginagawa na po ang magandang studio para sa inyo,” dugtong pa ng TV host.

Matatandaang Enero 2026 nang magsimula ang “Wilyonaryo” bilang online game show kasabay ng 65th birthday ni Willie.

Sharon, pinakakambyo si Leni sa desisyong hindi tumakbo sa nat'l position

Maki-Balita: Wilyonaryo ni Willie, nagsimula na; makakabangga ng It's Showtime at Eat Bulaga!

Samantala, posible umanong umere sa GMA Network o sister channel nito ang magbabalik na “Wowowin.”

Naging tahanan ng naturang programa ang GMA Network sa loob ng walong taon simula noong Mayo 2015 bago tuluyang nalusaw sa ere noong Abril 2023.