LUCENA CITY- Ibabalik na ang operasyon ng provincial buses sa Quezon matapos ang halos isang taon nang ipatigil ito ng Quezon Provincial Inter- Agency Task Force bunsod na rin ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ipinasya ng Quezon IATF nna pinamumunuan ni Governor Danilo Suarez naibalik ang operasyon ng public utility buses sa lalawigan, patungo at pabalik ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) matapos maglabas ng alintuntuninangLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa usapin.

Inaprubahan na rin ng LTFRB ang mga rutang Calauag, Guinayangan, San Francisco, Infanta, Lucban, Mauban, Sampaloc, San Andres at Tagkawayan.

Ilan sa mga alitutunin ay dapat na magkaroon ng tiyak na mga drop off at pick up points sa mga dadaanang bayan sa Quezon na mayroong mga designated triaging at isolation areas na babantayan ng medical frontliners.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Kinakailagandin ng mga biyahero na mag-pre-booking, kahit dalawang dalawang araw o mahigit pa bago ang kanilang byahe. Hindi tatanggapin ang mga walk-in o on-the-day na biyahero.

Dapat din na mag-register muna sa Safe, Swift, and Smart Passage (S-Pass) website ang mga nais maka-sakay, at kapag nakapasa ay saka pa lamang sila pagbibilhan ng ticket ng mga bus operators.

Para sa contact tracing, hindi na tatanggapin ang manual na pagsusulat sa logbook. Kinakailangan na gamitin na ang Staysafe.ph app alinsunod sa IATF Resolution No.87 s.2020. Kailangan na mag-generate ng sariling QR code ang bawat operator, gamit ang nasabing application na ididisplay sa pinto ng mga sasakyan o kung saan man na madaling makita ng mga pasahero upang makapagparehistro.

Danny Estacio