Spotted sa Balesin Island ang parehong news anchors na sina Atom Araullo ng 24 Oras at Zen Hernandez ng TV Patrol Weekend. Matatandaang dating news anchor sa ABS-CBN si Atom hanggang magpasiya itong lumipat sa rival network na Kapuso sa ilang kadahilanan.

Hindi sana mabubuking na magkasamang nagbabakasyon ang dalawa sa mamahaling Island sa Quezon, kung hindi dahil kay CNN Philippines senior anchor, Pinky Webb, na siyang nagpo-post ng mga larawang kuha nilang tatlo nito lang June 21.

Hindi man kumpirmado na mag-on nga ang dalawang news anchors, marami ang nasorpresa sa caption ni Pinky, na siya man di'y 'kinilig' sa dalawa.

Caption ni Pinky, “It was such a nice surprise!!

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Syempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na……

“it’s always so nice to see former officemates ‘di ba? [winking face with tongue emoji]." Pahayag pa ni Pinky sa dating katrabaho sa ABS-CBN na si Atom.

Binati rin niya si Pinky na nagdiwang ng kanyang ika-51 kaarawan noong June 11.

Caption ni Zen sa kanyang IG post, “Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb!" aniya .

Aniya pa, "Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? [Winking Face with Tongue, clinking glasses emojis] #latepost”

“Family is love [blue heart emoji]

“Kayo talaga…”sagot ni Pinky.

Sa post naman ni Zen sa kanyangInstagram, sinabi nitong kuha ang larawan nilang tatlo nina Atom at Pinky sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.

Hindi na nabanggit kung meron silang kasamang mga kaibigan sa nasabing isla.

Sa comment section, makikita ang kilig at suporta ng mga followers ng dalawa.

“Noon pa..i saw them together if I’m not mistaken that was 2015”

“yup, atom & you are so bagay for each other”

“lagi akong kinikilig when I see Atom Zen in one picture. (heart emoji)

“Father’s day ngayon pero feeling ko valentine. Thank you for making me kilig’

Sa-true ba? Abangan natin ang updates.

Ador V. Saluta