Thankful ang aktres na si Sunshine Cruz dahil nakatagpo muli siya ng pag-ibig.

Sa katunayan, walang planong pumasok sa relasyon ang aktres dahil masyado siyang nakatuon sa trabaho at pagbibigay ng kumportableng buhay sa kanyang mga anak sa dating nitong asawang si Cesar Montano.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matapos ang paghihiwalay noong 2013, nakuha ni Sunshine ang second chance in love noong 2016.

Ito’y matapos siyang i-direct message ni Macky Mathay, kapatid ni Ara Mina.

At ika nga, the rest is history.

Ngayon, proud si Sunshine na sabihing wala siyang pinagsisisihan.

Aniya, si Macky ang isa sa “best decisions” na ginawa niya.

“Thank you for accepting me and loving me for who I really am. Hindi ko alam na pwede palang hindi pinaaalala ang mga kamalian na nagawa ng isang tao sa past. You accepted me for my past (mistakes/decisions) and my present,” say si Sunshine.

“Thank you for being the best father figure to the girls. Ikaw ang tumatayong ama nila and they’re blessed to have you in their lives too! Thank you my Macky! I love you! We love you!”

Nabanggit din ng aktres kung gaano ka-blessed ang mga anak ni Macky sa dati nitong marriage sa pagkakaroon ng ama na tulad nito.

Stephanie Bernardino