Kabilang ang kapatid na si Anne Curtis sa nag-congratulate kay Jasmine Curtis-Smith sa pinost nitong bagong trailer ng teleseryeng “The World Between Us.” Sabi ni Anne, “Yay!!! Looking forward to this and finally seeing you!” Sinagot ni Jasmine ang ate niya ng “@annecurtissmith yassss ditto to seeing you.”

Maganda ang trailer ng teleserye na muling pinagtambalan nina Jasmine at Alden Richards. Kasama rin sa cast si Tom Rodriguez na gaganap na kuya ni Jasmine at si Sid Lucero na makakalaban ng karakter ni Alden. Sa direction ni Dominic Zapata, sa July 5 na ang world premiere nito.

Alden at Jasmine

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang ganda ng rehistro ng mga cast, ang ganda ni Jasmine sa kanyang mga eksena, wala na sigurong magko-comment na she looks older than Alden. Ang totoo, mas matanda ang aktor sa kanyang leading lady ng ilang taon.

Sabagay, hindi na bago kay Jasmine ang masabihang she’s older than her age. Remember, may netizen na napagkamalan siyang nanay ng kapatid na si Jasmine bagay na idinaan na lang ni Jasmine sa pagpapatawa.

Nitz Miralles