TALAVERA, Nueva Ecija – Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Sibul NG naturang bayan, kamakailan.
Kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng sagupaan ang suspek na kinilala ni Talavera Police chief Heryl Bruno, na si Marcelino Avila, alyas “Bornok,” at taga-Brgy. Homestead II ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa naturang lugar, nitong Biyernes, dakong 4:10 ng madaling araw.
Bigla umanong binaril ng suspek ang katransaksyon na police poseur-buyer kaya ginantihan siya ng iba pang pulis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Narekober sa lugar ang isang baril, 17.5 gramo ngumano'y shabu at marked money.
Light Nolasco