Patay ang isang babaeng barangay councilor nang barilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa harap ng hardware store nito sa Area 2, Barangay Iba O Este, Calumpit, Bulacan, nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Maria Romalie Buensuceso Aguilar, 45, 1stCouncilor ng Brgy. Mercado sa Hagonoy ng nabanggit na lalawigan, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo, ayon sa Hagonoy Police Station.

Sa paunang ulat ng pulisya, biglang dumating ang dalawang lalaking naka-motorsiklo sa nasabing hardware store at nagpapanggap na mga customer.

Humihingi pa umano ng diskuwento sa biktima ang dalawang suspek bago nila ito binaril.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Kaagad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaslang.

Idinagdag pa ng pulisya na blangko pa sila sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek at motibo ng mga ito.

Freddie Velez