Sa pagpapatuloy ng panayam kay Vice Ganda ni Ogie Diaz sa kanyang vlog nitong nakaraang linggo, napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa relasyon ng TV host sa kasamahan sa “It's Showtime” na si Ion Perez, aminado ang 'unkabogable star' na wala siyang pinagsisisihan sa pakikipag-boyfriend kay Ion at sinabing maligaya siya sa piling ng boyfriend.

"Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. 'Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.' Paano kung wala 'to?" ani Vice.

Isa rin, aniya, si Ion sa nagpapagaan ng kanyang buhay sa ngayon.

"Anong lungkot ko ngayon kung wala akong ganitong katuwang? Anong lungkot ko ngayon na walang hahagod ng likod ko kapag umiiyak ako? Gaano ka-miserable ang buhay ko kapag buryong na buryong ako tapos walang tititig sa akin para kumalma ako? Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya kumakalma na ako. Pinakalma niya 'yung buhay ko,".

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami daw isinakripisyo si Vice simula nang magsama sila ni Ion.

"Dati ‘di ba gabi-gabi nga rampa ako ng rampa so tinalikuran ko 'yun. Pati paninigarilyo ko tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion sapat na, totoo 'yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa.

"This relationship is so valuable to me right now kaya iniingatan ko siya. As much as possible hangga't kaya ko hindi ako papayag na magbukas ng pinto sa ano mang magdi-delikado sa amin hangga't kaya ko. Kung makakaapekto 'yan sa amin and wala namang kakwenta-kwenta 'yan, hindi ko na papayagan," rebelasyon pa ng It's Showtime host.

Ador V. Saluta