Proud mommy si Marjorie Barretto sa anak na si Leon na nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ngayon June 13. 

Sa post ni Marjorie sa graduation ng anak na lalaki nito kay Dennis Padilla ibinahagi nito ang mga honors, awards na ipinagkaloob sa anak. 

“My son Leon graduated yesterday with High Honors. 7 medals. Mathematics Award, Social Science Award, Arts Award, Communication Arts Award, Teens Can Award and GAS TOP 2! Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it.

Thank you God for seeing us throughout the last 14 yrs. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!” pagmamalaki pa ni Marjorie.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sa kaparehong post, binanggit din ni Marjorie ang anak na si Julia Barretto, na ayon sa kanya'y malaki ang naitulong sa pagpapaaral sa kapatid.

Bagama't wala si Julia noong time na siya'y nagpo-post, alam niyang masaya ang kanyang daughter sa achievement ng kapatid na si Leon.“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school.

I couldnt have done it all without your help. You must be so proud too, and missing you so much,” pahabol pa ni Marjorie.

Ador V. Saluta