Aabot sa 38 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P257,800,000 ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Linggo ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang siZhizun Chen, 38,may-asawa, auto supply staff, at taga-168 Tower2, Soler Street, Binondo, Maynila.

Naiulat na hindi na nakalaban pa ng suspek nang dakpin ng mga tauhan ng PDEA-National Capital Region, Southern Police District, PDEA Cavite, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) Task Force Noah,Pasay City Police at Parañaque City Police sa parking lot ng isang shopping mall sa Brgy. Baclaran, Parañaque City, dakong 3:30 ng hapon.

Bukod sa umano’y iligal na droga, nasamsam din sa suspek ang isang kotse na may plakang WFG 362; at isang Silver Chrysler na may plakang WIV 952.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at inihahanda na rin ng pulisya ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Bella Gamotea