Bukod sa pagiging clingy, sweet din pala ang aktor na si Gerald Anderson.

Recently, sinurpresa ni Gerald ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa isang yacht boodle feast dinner kasama ang kanilang mga kaibigan.

Makikita sa Instagram stories, na abala si Gerald sa pagsisilbi ng pagkain sa kanyang babe.

Bago ito, binisita rin ng aktor si Julia sa isang hotel kung saan ito naka-quarantine matapos ang kanyang lock-in taping.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ibinahagi pa ni Gerald ang isang video ng kanyang gf habang kumakaway ito sa kanya mula sa balkonahe.

Samantala, nitong mga nakalipas na araw, nasangkot na naman ang pamilya ni Julia sa kontrobersiya.

Kabilang dito ang vlog niya kasama ng amang si Dennis Padilla, na binura ng aktres.

Marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa istorya ni Dennis kung saan inamin ng komedyante na kinompronta niya si Gerald matapos madamay si Julia bilang “third party” sa kontrobersial na hiwalayan ng aktor at ni Bea Alonzo.

Ikinuwento ito ni Dennis sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, na ngayo’y unavailable na online.

Binigyang-diin din ni Marjorie na dala pa rin ng kanyang mga anak ang epelyido ng kanyang dating asawa—na isa sa topic na napag-usapan ni Dennis at Ogie sa unang part ng kanilang interview.