NUEVA ECIJA – Patay ang isang seaman nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang kainan sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay kinilala Police Staff Sergeant Xavier Corpuz, may hawak ng kaso, na si Rey Laya, 42, negosyante, tubong San Antonio, Quezon at taga-Brgy. Caalibangbangan ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ni Corpuz, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng isang kainan nang dumating ang isang motorsiklo, lulan ng dalawang lalaki.

Kaagad na bumaba ang nakaangkas at nilapitan ang biktima bago ito pinagbabaril, dakong 10:50 ng gabi.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Tumakas ang dalawang suspek patungo ng Brgy. Cinco-Cinco.

"Actually po, sasampa na raw uli sa barko ‘yung biktima, nahihintay na lang ng clearance mula sa agency," sabi ni  Corpuz.

“Sinisilip na po namin lahat ng anggulo hinggil sa pagpatay,” dagdag pa ng imbestigador

Tumakas ang dalawang suspek patungo ng Brgy. Cinco-Cinco.

Ariel Avendaño