CAMP MACABULOS, Tarlac City - Aabot sa P2.4 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang maaresto ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni PDEA Central Luzon Director Christian Frivaldo ang dalawa na sina Julius Castro, 24, binata, massage therapist, at taga-Hilario Street, Barangay Ligtasan, at John David Tapar, 28, may-asawa, driver, at taga-Karina Street, Barangay San Sebastian, Tarlac City.
Sa pahayag ng PDEA, hindi nahalata ng mga suspek na isa lamang patibong ang transaksyon kaya naaresto ang mga ito. Narekober sa kanila ang 20 kilo ng illegal drugs, mga personal na na gamit at isang
Bukod dito, narekober din sa dalawang suspek ang ginagamit na cellphones at isang 4x4 pick-up truck.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang suspek.
Leandro Alborote