Emosyonal na inalala ng DJ na si Nicole Hyala ang near-death experience kamakailan ng kanyang walong taong gulang na anak, na si Princess.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Nicole at ng kanyang asawa na si Renly Tiñana ang pinagdaanang encephalitis ng kanyang anak at kung paano ito naka-survived.

Ayon sa couple, ang nangyari ay patunay ng “God’s love and miracle.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Halos isang buwan na nakipaglaban si Princess sa “sudden” at “unexpected” inflammation sa kanyang utak. Pero isinuko nila, aniya, ang lahat sa Diyos at hinayaang ito ang manguna sa kanilang pagsubok.

Thankfully, naka-recover ang kanilang anak, isang buwan makalipas. Bagamat sumasailalim pa rin si Princess sa different therapies – physical, speech, at occupational.

Ibinahagi rin ng mag-asawa na umabot sa P2.3 milyon ang kanilang hospital bill. Mabuti na nga lang daw at na-covered ito ng kanilang health insurance.

Sa kaparehong video, nagpasalamat si Princess sa mga nagdasal para sa kanya.

“When I was in the hospital, I had to pray, ‘God, please get me out of the hospital.’ In one month, I got out,” aniya.

“My last wish was to walk. Now I can walk… Always pray to God, Jesus, and Mama Mary.”

https://youtu.be/c0j1CLQHzLk