Proud na ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa hindi kailanman sumailalim ang kanyang mukha sa anumang plastic surgery.

Ito’y matapos magkomento ang ilang netizens na “looking excellent these days,” ang 55 –anyos na aktres.

Sa kanyang paglabas sa vlog ni cosmetic surgeon Aivee Teo kamakailan, nilinaw ito ni Sharon: “No. The comment is I look younger. My face hasn’t changed. It really hasn’t.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sharon

Tinanong pa ni Sharon ang doktor ng: “Have I had plastic surgery on my face?”

Na tinugon ni Aivee: “No.”

Lumapit pa si Sharon sa camera at ipinakita ang kanyang wrinkles sa noo.

Ayon sa aktres tinutulungan siya ng Aivee na mapanatiling “tight” ang kanyang face.

“Kept my skin here from sagging my face and it’s been helping me fight gravity,” dagdag pa niya.