NUEVA ECIJA - Nakakulong na ngayon ang isang magkapatid na lalaki matapos na arestuhin ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Barangay La Torre, Talavera ng naturang lalawigan, kamakailan.

Sa panayam, kinilala ni Talavera Police chief, Lt. Col. Heryl Bruno, ang dalawa na sina Allan Macapagal, 41, nasa drug watchlist ng Nueva Ecija Police, at Anwar Macapagal 50, kapwa taga-nasabing lugar.

Naiulat ng pulisya na nasamsam sa magkapatid ang P17,400.00 na halaga iligal na droga at marked money.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Light Nolasco