SAN PABLO CITY, Laguna - Napatay ng mga awtoridad ang isang tinaguriang “siga” matapos umanong manlaban habang pinasusuko kaugnay ng pagpapaputok nito ng baril sa Barangay San Jose ng nasabing lungsod, nitong Huwebes ng hapon.

Dead on the spot ang suspek na si Ramil Maajas Magapi, ng nasabing lugar, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis kaugnay ng pagpapaputok ng baril ng suspek sa kanilang lugar na ikinaalarma ng mga residente.

Nang pasukuin, pinaputukan pa umano ng suspek ang mga pulis kaya nakipagbarilan din sila sa kanya na nagresulta ng kanyang pagkamatay.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa pahayag ng mga residente, madalas umanong nagsiga-sigaan ang suspek sa kanilang lugar, lalo kapag may hawak na baril.

Danny Estacio