Isa na namang Kapamilya star ang kumpirmadong tatawid sa Kapuso network para gumawa ng proyekto.

Kinumpirma mismo ito ng GMA-7 na may gagawing drama series sa kanila si Beauty Gonzalez. Sa ngayon sikreto pa kung sino ang makakasama ni Beauty sa serye at kung ano ang titulo ng kanyang seryeng pagbibidahan.

Bago ang pagtawid ng aktres sa Kapuso, una nang luamabas sa TV5 si Beauty sa weekly drama series na "I Got You" noong Nobyembre 2020 hanggang Abril 2021.

Habang bago ang pandemya at mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN bumida ang aktres na hit serye na "Kadenang Ginto", na naging daan upang mas makilala ito bilang aktres.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Matatandaang nag-upmisa ang karera ni Beauty bilang housemate ng PBB Teen Edition Plus noong 2008.

Ador V. Saluta