July 23, 2026

Home BALITA

Salita ng Diyos, ibahagi sa lahat; kahit sa mga 'di handang makinig—Cardinal Tagle

Salita ng Diyos, ibahagi sa lahat; kahit sa mga 'di handang makinig—Cardinal Tagle
Photo Courtesy: via MB

Hinikayat ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Katoliko na ibahagi sa lahat ang Salita ng Diyos at hindi lang sa mga handang tumanggap nito.

Sa kaniyang sermon sa ginanap na ika-30 anibersaryo ng ordinasyon ng 10 pari sa Archdiocese ng Palo kamakailan, sinabi ng Cardinal na ipakita umano sa mga taong hindi handang makinig na ang salita ng Diyos ay nakakapagpabago.

“Let us join Jesus in spreading the word of God," saad ni Cardinal Tagle. "Let us not choose only those who are easy to talk with."

Dagdag pa niya, “Go share the word of God with them. Be the messengers of God and show people that the word of God will create in us a new humanity, a new creation, a changed person. But let us first be living witnesses to them.”

Ayon sa Cardinal, ang bawat pari umano ay nangangailangan ng mga "sower" o tagapaghasik. Ito man ay kaibigan, kapamilya, o mula sa mga paaralan.

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

“So, each one, each institution, each person should be a sower,” dugtong niya.

Samantala, ipinaalala naman ni Msgr. Erwin Jose Balagapo, undersecretary ng Vatican dicastery kung saan nagsisilbi si Tagle, na ang pagkapari umano ay hindi bunga ng kahusayan kundi ng awa at biyaya ng Diyos.