Sinagot ni Kapuso actress Heart Evangelista ang mga bashers na nag-akusang edited ang kanyang recent photo na naka-two-piece bikini.
Tinawag ng isang online user ang 36-anyos na aktres na “queen of edit and filters” – at sinabi na humihinga lang nang malalim ang aktres para maging flat ang tiyan sa isang photo.
Hinamon pa ng netizen si Heart na magpakita ng video para pabulaanan ang alegasyon.
Bago ito, isang self-proclaimed graphic artist ang nagkomento sa larawan ni Heart na “edited” umano ito dahil sa “distortion.”

Gayunman, sinabi ni Heart na filter lang ang kanyang ginagamit para bumagay sa kanyang feed.
Sinagot din ni Heart ang isang fan na nagtanong kung ano ang sikreto nio sa kanyang ageless beauty.
“Water does not cost anything!:) water cleanse 3x a day and cheat day on Sundays,” ani ng aktres.
Matatandaang inakuhasan na rin ang aktres ng pagpaparetoke ng kanyang ilong.
Stephanie Bernardino