July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hula kay Bea Alonzo sa tarot cards tungkol sa kasal niya, nagkatotoo?

Hula kay Bea Alonzo sa tarot cards tungkol sa kasal niya, nagkatotoo?
Photo courtesy: Screenshot from Bea Alonzo (YT)/Contributed photo via GMA News (FB)

Kinalkal ng mga netizen ang isang vlog ni Kapuso star Bea Alonzo noong 2021 kung saan kumonsulta sila ng kaniyang kaibigang si Kakai Bautista sa isang tarot card reader, kung ano ang magiging kapalaran nila.

Parang nagkatotoo raw kasi ang hula sa kaniya ng tarot cards reader na si Niki Vizcarra, batay sa mga detalyeng ibinigay nito, sa nangyaring pagpapakasal ni Bea sa boyfriend na si Puregold heir Vincent Co, noong Hulyo 13, 2026.

Maki-Balita: Bea Alonzo at Vincent Co, palihim na nagpakasal noong Hulyo 13?

Naganap ang civil wedding sa Makati City Hall, na ang nag-officiate ay si dating senador at kasalukuyang Makati City Mayor Nancy Binay.

Maki-Balita: One More Chance? Makati City Mayor Nancy Binay, nag-officiate sa kasal nina Bea Alonzo-Vincent Co

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Kinumpirma naman ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ang patungkol sa kasal, subalit nilinaw niyang hindi totoo ang ilang mga naunang kumalat na ulat patungkol sa prenuptial agreement. Aniya, malaya at kusang-loob na nilagdaan nina Bea at Vincent ang kanilang prenup.

Going back sa tarot card reading, tinanong ni Bea sa tarot card reader kung ikakasal pa ba siya. Sinabi ni Vizcarra kay Bea na ikakasal siya makalipas ang pitong buwan o pitong taon.

Aniya pa, hindi raw muna sa simbahan ikakasal si Bea kundi sa civil wedding, at "hidden" pa.

"Seven years naman, nagtatrabaho pa 'ko n'on, ang tanda ko na no'n, 40 nga!" reaksiyon ni Bea na ikinatawa nila ni Kakai.

"40 pa 'ko ikakasal?" tanong niya sa tarot card reader.

Saad niya, bongga naman daw ang magiging buhay ni Bea pagkatapos ng kasal.

Pagkatapos, ipinakita naman ng tarot card reader kung sino ang mapapangasawa ni Bea. Nag-react naman si Bea na parang "matanda" raw, pero sabi ni Vizcarra, "mature" na raw kasi siya.

Si Vincent Co ay nasa mid-40s na habang si Bea naman ay nasa 39 na.

Nang tanungin kung magkakaanak pa siya, sinabi ng tarot card reader na batay sa mga baraha, tatlo ang magiging anak niya, pero ang klaro sa kaniya ay dalawa lang; isang lalaki at isang babae.

Agad namang pinag-usapan sa social media na tila nagkatotoo nga raw ang hula ng tarot card reader kay Bea batay sa mga nangyari.

Matatandaang nauna nang napabalita ang enggrandeng kasal ng dalawa sa Spain subalit napurnada ito dahil umano sa isyu ng "prenup."

Maki-Balita: Bea Alonzo, naispatang wala nang suot na engagement ring?

Inakala ng mga netizen na wala nang kasalang matutuloy at tuluyan nang naghiwalay sina Bea at Vincent, kaya gulat na gulat ang lahat nang pumutok ang balitang kasal na sila sa civil wedding.

Maki-Balita: Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!