Usap-usapan ang ispluk ng showbiz insider-talent manager na si Ogie Diaz na nagpakasal na raw sina Kapuso star Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co noong Lunes, Hulyo 13.
Sa "Ogie Diaz TV," nagpaabot ng pagbati si Ogie sa couple na umano'y palihim na ikinasal sa Makati.
"Congratulations Bea Alonzo and Vincent Co, finally, they got married na sa Makati, noong July 13 at 7:00 PM," saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, ang nakasaksi lamang daw sa kanilang kasal ay mga may-ari ng isang brand ng bag, at wala raw masyadong tao sa naganap na seremonya sa Makati City Hall.
"Hayan nga, may nagpadala sa akin ng litrato, ay oo nga, confirmed nga!" saad pa ni Ogie.
Bukod sa mga larawan, mayroon ding certificate of marriage ang dalawa na nagpapatibay na totoong naganap ang umano'y kasalan.
"Finally, natupad din ang pangarap ni Bea na una makasal dahil siyempre, pangalawang udlot na ito, in case lang, if ever, 'di ba, maganda rin yung tahimik lang, wala sa side ni Bea yung nangialam, at sa side naman ni Vincent Co, siyempre... eh, ilang taon na rin naman si Vincent," saad pa niya.
Patungkol naman daw sa isyu ng "prenuptial agreement" o prenup, hindi na raw isyu iyon sa dalawa, bagama't may prenup pa rin kaya dumalo raw sa pagtitipon si Atty. Lorna Kapunan, para sa panig ni Bea.
Matatandaang naging usap-usapang hindi na raw matutuloy ang enggrandeng kasal ng dalawa dahil nga raw sa pinag-usapang prenup.
Noong Sabado, Hulyo 11, naispatan pa si Vincent na dumalo sa naganap na OPM Con Generations 2026 ng Puregold na isinagawa sa Smart Araneta Coliseum, sa Quezon City.
Maki-Balita: SB19, Ben&Ben, iba pang OPM artists nagpasiklab sa Araneta!
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Bea at Vincent patungkol sa tsika ni Ogie. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
Maki-Balita: Bea Alonzo, naispatang wala nang suot na engagement ring?
Maki-Balita: Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!