Pinutakti ng intriga si Kapuso star Bea Alonzo matapos umanong mapansin ng ilang netizens na wala na siyang suot na engagement ring.
Sa latest Instagram post kasi ni Bea kamakailan, ibinahagi niya ang mga random picture niya na kuha sa kaniyang Europe trip.
“[A] few randoms,” saad niya sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ang daming na intriga dahil sa ‘no ring’ lol. Kelan ba si Bea nag post na may engagement ring aside sa mga ini endorse nya? at wala namang confirmation sa kanila na May 14 or 16 yung kasal? "
"Musta Be? Gin kasal ka man gid?"
"Ms. Bea, always remember. Isaiah 60:22 When the time is right, I, the Lord will make it happen Maraming nagmamahal sau. You are brave, you are strong and you are loved."
"Sino naman kaya ang next?"
"Married or not you will always be my all time favorite! You are the most beautiful!"
"Beautiful Bea hope to see more photos with your hubby Vincent. You look great together perfect pair"
"Patron Saint of boundaries Bea Alonzo hahaha love it! pretty na mataas pa respeto sa sarili "
"Hindi po ba talaga natuloy ang kasal? Kung hindi, hindi nakatotoo ang hula. Sayang naman kasi bagau sila"
"hanap ka na lang mg afam bagay po sayo"
Matatandaang umugong kamakailan na hindi na raw matutuloy pa ang kasal ni Bea sa negosyanteng si Vincent Co batay sa mga nagsulputang blind item.
Maki-Balita: Teleserye yarn? Kasalang Bea Alonzo-Vincent Co, iniintrigang 'di na tuloy dahil sa prenup!
Magtatatlong buwan na rin ang nakalilipas simula nang inanunsiyo ng St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Maynila ang marriage banns ng dalawa.
Sa Pilipinas, ang marriage banns ay itinuturing na abiso sa publiko tungkol sa paparating na kasal. Ipinapaskil ito nang tatlong magkasunod na linggo sa parokya ng bride at groom.
"Ferdinand Vincent Pe Co - Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo - Bride," mababasa sa nasabing marriage banns. Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea sa labas ng show business.
Nagsimula noong Mayo 2025 ang bulung-bulungan na may namamagitan kina Vincent at Bea matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.
Maki-Balita: Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na?
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring pahayag o reaksiyon ang dalawa tungkol sa mga intriga.