Age is just a number para kina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz

Matapos ang kanilang pagganap sa seryeng “Magkaagaw” ng GMA-7, mukhang patuloy ang ugnayan ng dalawa.

Sa vlog kasi ni Sheryl, kinumpirma ng kanyang longtime nanny, si Ate Laynie, na nililigawan ni Jeric ang 47-anyos na aktres.

Nagsimula ang lahat nang tanungin ni Sheryl ang kanyang yaya, kung sino ang paborito nito sa mga ex-boyfriend ng aktres.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Sagot ni Laynie, si Aga Muhlach, na ikinuwento na madalas sinusundo ng aktor si Sheryl sa kanilang bahay.

Pinuri rin nito si Aga bilang magaling na aktor, singer, dancer.

How about suitors?

Approved kay Laynie sina Anjo Yllana, Zoren Legaspi, at ang 28-anyos na si Jeric.

“Patay!” sagot ni Sheryl, na tila nagulat sa pambubuking ng kanyang nanny.

Dahil dito, kinilig tuloy ang shippers ng kanilang loveteam.

“Best answer I’ve ever heard HAHAHAH. this made my day,” komento ng isa.

Say ng isa pa: “HAD TO REWIND THE PART 3:37 AT LEAST 100x OMOOOO nabuhayan ang aking sheric/jerryl heart…”