Inalerto na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado ang 16 na lugar sa Visayas at Mindanao matapos maapektuhan ng red tide.

Sa abiso ng BFAR, kabilang sa mga lugar na ito ang Irong-Irong Bay sa WesternSamar; Maqueda at Villareal Bay sa Western Samar; Cambatutay Bay sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur ; Bislig Bay sa

Surigao del Sur; Balite Bay sa Davao Oriental ;Murcielgaos Bay sa Zamboanga del Norte ; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Ormoc Bay sa Leyte; Carigara Bay sa Leyte; coastal water sa Calubian sa Leyte at coastal water ng Zumarraga sa Western Samar.

Pinayuhan din ng BFAR ang mga residente sa naturang mga lugar na huwag kumain o bumili ng lahat ng uri ng shellfish para na rin sa kanilang kaligtasan.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Jun Fabon